Offline
₱14K HALAGANG SHABU, KUMPISKADO SA OPERASYON SA KALAKLAN
By Administrator
Published on 20/05/2026 11:54
News

Isang lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 1 – Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Upper Kalaklan, Olongapo City noong Mayo 15, 2026.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jess Bakla,” 35 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Lower Kalaklan.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-11:20 ng gabi sa Ohio Street.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.08 gramo at may Standard Drug Price na ₱14,144.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online