Arestado ang isang 25-anyos na lalaki matapos ipatupad ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) ang isang search warrant sa No. 63 Rizal Extension, Barangay Barretto, Olongapo City, bandang alas-10:05 ng gabi noong Oktubre 1, 2026.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ian” na residente ng nasabing lugar at kabilang sa SLI list.
Sa operasyon, limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska. Tinatayang nasa 9.12 gramo ang kabuuang timbang nito, na may Standard Drug Price na ₱62,016.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant No. 2026-84 na inilabas ng Regional Trial Court Branch 72 noong Setyembre 24, 2026.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon at proseso.