Offline
₱31K Halaga ng Shabu, Nasamsam sa Buy-Bust Operation sa Pag-asa
By Administrator
Published on 12/10/2026 13:02
News

 Arestado ang isang 31-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) sa Natividad Street, Barangay Pag-asa, Olongapo City, bandang alas-9:30 ng gabi noong Oktubre 10, 2026.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Kim,” na kabilang sa High-Value Individual (HVI) list.

 

Nasamsam sa operasyon ang apat na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 4.59 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱31,212. Narekober din ang ₱500 na buy-bust money.

 

Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon at pagsasagawa ng mga kinakailangang proseso.

Comments

Chat Online