Isang lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 2 – Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Barangay West Tapinac, Olongapo City noong Mayo 15, 2026.
Ang suspek ay 28 taong gulang, binata, isang stevedore, at residente ng Barangay Kalaklan.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-7:40 ng gabi.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 0.64 gramo at may Standard Drug Price na ₱4,352.00. Narekober din ang dalawang tig-₱100 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon.