Offline
DALAWANG SLI LISTED NA SUSPEK, TIMBOG SA BUY-BUST SA NEW KALALAKE
By Administrator
Published on 19/05/2026 15:08
News

Dalawang lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 3 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay New Kalalake, Olongapo City noong Mayo 15, 2026.

 

Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Joel,” 36 taong gulang, at isa pang 47-anyos. Pareho silang residente ng Olongapo City.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-10:55 ng gabi sa harap ng isang bahay sa Murphy Street.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 3.96 gramo at may Standard Drug Price na ₱26,928.00. Narekober din ang ₱300 na ginamit bilang buy-bust money at karagdagang ₱200 na pinaniniwalaang drug money.

 

Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon.

Comments

Chat Online