Arestado ang isang 34-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Police Station 4 Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Rambutan Street, Purok 15, Barangay Old Cabalan, Olongapo City, bandang alas-8:30 ng gabi noong Setyembre 30, 2026.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ryan,” na kabilang sa SLI list.
Nasamsam mula sa operasyon ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 2.27 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱15,436, gayundin ang dalawang ₱100 marked money.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang disposisyon at pagsasagawa ng mga kinakailangang proseso.