Offline
SLI LISTED NA SUSPEK, TIMBOG SA BUY-BUST SA WEST BAJAC-BAJAC
By Administrator
Published on 28/04/2026 19:09 • Updated 13/05/2026 18:31
News

Isang 28-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 1 – Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City noong Abril 26, 2026.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “John Que,” binata, walang trabaho, at residente ng Barangay East Bajac-Bajac.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-11:35 ng gabi sa kahabaan ng Arthur Street malapit sa Bataan-Olongapo Bus Terminal.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.48 gramo at may Standard Drug Price na ₱10,064.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.

 

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online