Isang High Value Individual (HVI) ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 6 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) katuwang ang City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) sa Barangay Barretto, Olongapo City noong Abril 23, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Dodong,” 30 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng nasabing barangay.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-6:15 ng gabi sa Rosal Street.
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.54 gramo at may Standard Drug Price na ₱17,272.00. Narekober din ang ₱300 na ginamit bilang buy-bust money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 6 para sa kaukulang dokumentasyon.