Isang 51-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 1 – Drug Enforcement Unit sa Lower Kalaklan, Olongapo City noong Abril 16, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jonjon,” na residente ng Barangay West Tapinac.
Bandang alas-10:15 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa Purok 6, National Road, kung saan nadakip ang suspek.
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1.43 gramo at tinatayang halaga na ₱9,724.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.