Dalawang lalaki ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Upper Kalaklan, Olongapo City noong madaling araw ng Abril 10, 2026.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Kokoy” at “Enan,” kapwa 21 taong gulang, walang asawa, at walang trabaho. Ang isa sa kanila ay kabilang sa SLI list.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-4:35 ng madaling araw sa Purok 6, Nagbaculao.
Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam na piraso ng zip-lock transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang kabuuang timbang na 52.14 gramo at may standard drug price na ₱6,256.80. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.