Naaresto ng Police Station 3 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang SLI (Street Level Individuals) listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay New Kalalake, Olongapo City noong Marso 19, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Boy Sipat,” 50 taong gulang, walang asawa at walang trabaho, na residente ng Kessing Street sa nasabing barangay.
Isinagawa ang operasyon bandang 8:25 ng gabi sa harap ng No. 153 Gordon Avenue.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.05 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,140.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon.