Offline
P34K HALAGANG SHABU, KUMPISKADO SA OPERASYON KONTRA DROGA SA STA. RITA
By Administrator
Published on 17/03/2026 16:57
News

Naaresto ang isang SLI listed na suspek sa isinagawang anti-illegal drug operation ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) katuwang ang Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Binoy,” 29 taong gulang, walang asawa at walang trabaho, na residente ng Balic-balic, Barangay Sta. Rita.

 

Isinagawa ang buy-bust operation bandang 10:45 ng gabi noong Marso 15, 2026 sa Blk 12 Lot 3, Mayumi Street. Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 5 gramo at may Standard Drug Price na ₱34,000.00. Narekober din ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online