Offline
BUY-BUST OPERATION SA BARANGAY STA. RITA, ISA ARESTADO
By Administrator
Published on 16/03/2026 16:14 • Updated 17/03/2026 09:30
News

Bandang 8:55 ng gabi noong Marso 10, 2026, nadakip ng mga operatiba ng Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit (PS5-SPDEU) ang isang SLI listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Del Rosario Street, Tabacuhan, Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

 

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Kolas,” 37 taong gulang, binata at walang trabaho. Siya ay residente sa Tabacuhan Road, Barangay Sta. Rita.

 

Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.16 gramo at may standard drug price na ₱7,888.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online