Offline
BUY-BUST SA EAST TAPINAC, LALAKI TIMBOG SA SHABU
By Administrator
Published on 11/03/2026 10:08 • Updated 17/03/2026 09:31
News

Naaresto ng mga operatiba ng Police Station 3 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang lalaking kabilang sa SLI list matapos ang isinagawang buy-bust operation bandang 10:40 ng gabi noong Marso 8 sa harap ng bahay na matatagpuan sa No. 38 Bacon Street, Barangay East Tapinac, Olongapo City.

 

Kinilala ang suspek na si alyas “Ramsey,” 26 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng Barangay New Banicain, Olongapo City.

 

Nasamsam sa operasyon ang apat na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.18 gramo at may Standard Drug Price na humigit-kumulang ₱8,024. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang buy-bust money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon.

Comments

Chat Online