Offline
2 HULI SA ANTI-DROGA OPERASYON SA CARON STREET, WEST BAJAC BAJAC
By Administrator
Published on 10/03/2026 16:41 • Updated 17/03/2026 09:32
News

Sa isinagawang anti-illegal drug operation, dalawang indibidwal ang naaresto matapos mahulihan ng hinihinalang shabu bandang 8:30 ng gabi noong Marso 8 sa Caron Street, Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City.

 

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Puto,” 36 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng Begonia Street, Barangay Sta. Rita, at isang 42-anyos na lalaki na residente ng Barangay Calapacuan, Subic, Zambales. Kapwa sila kabilang sa mga SLI listed na indibidwal.

 

Ayon sa Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU), nagsagawa sila ng buy-bust operation na sakop ng Target Intelligence Packet (TIP) control number B-2026-009-PRO3-OCPO-PS1 na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

 

Sa operasyon, nakumpiska ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.00 gramo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱6,800. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Comments

Chat Online