Offline
₱17K HALAGANG SHABU, KUMPISKADO SA NEW CABALAN, ISA ARESTADO
By Administrator
Published on 10/03/2026 11:02 • Updated 17/03/2026 09:33
News

Bandang 2:30 ng madaling-araw noong Marso 8, 2026, nadakip ang isang SLI listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Saturn Street, Purok 7, Barangay New Cabalan, Olongapo City.

 

Pinangunahan ang operasyon ng Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng Tactical Intelligence Packet (TIP) control number B-2026-015-PRO3-OCPO-PS4.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Puto,” 28 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Block 27 Waterdam Road, Barangay Gordon Heights, Olongapo City.

 

Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.6 gramo at may Standard Drug Price na ₱17,680.00. Narekober din ang dalawang tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online