Bandang 4:40 ng madaling-araw noong Pebrero 28, 2026, naaresto ang isang SLI listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Rose Street, Purok 5, Barangay New Cabalan, Olongapo City.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Bakla,” 37 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Bangal, Dinalupihan, Bataan.
Sa naturang operasyon, nakumpiska ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.73 gramo at may Standard Drug Price na ₱18,564.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang disposisyon.