Bandang 3:25 ng madaling-araw noong Pebrero 28, 2026, nadakip ng Police Station 3 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang SLI listed na suspek sa harap ng No. 18 Rodriguez Street, Barangay New Kalalake, Olongapo City.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Buboy,” 25 taong gulang, walang asawa at walang trabaho, na residente rin ng Barangay New Kalalake.
Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.13 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na ₱7,684.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.