Bandang 11:35 ng gabi ng Pebrero 27, 2026, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) at Police Station 1 SDEU sa Purok 4, Lower Barangay Kalaklan, Olongapo City.
Sa implementasyon ng search warrant, naaresto ang suspek na kilala sa alyas na “Eddie,” isang 60-anyos na HVI listed at residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska sa operasyon ang anim na maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang bigat na 3 gramo at standard drug price na ₱20,400.00.
Dinala ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.