Isinagawa ng Police Station 2 Drug Enforcement Unit (SPDEU) ang isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang SLI (Street Level Individual) listed na suspek bandang 11:45 ng gabi noong Pebrero 24, 2026 sa Foster Street, Barangay New Banicain, Olongapo City.
Ang naarestong suspek, na kilala sa alyas na “Greg,” ay 44 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Sta. Rita, Olongapo City.
Nasamsam mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 0.4 gramo, na may standard drug price na Php2,726.00. Narekober din ang dalawang pirasong Php100.00 na ginamit bilang marked money.
Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon.