Offline
DALAWANG 19-ANYOS HULI SA BUY-BUST OPERATION SA NEW KALALAKE
By Administrator
Published on 24/02/2026 13:35
News

Sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Police Station 3, naaresto ang dalawang indibidwal sa Barangay New Kalalake, Olongapo City.

 

Kinilala ang mga suspek na kapwa 19-anyos. Ang lalaki ay residente ng Narra Street, Barangay Barretto, habang ang babaeng kasama nito ay taga Rizal Street, Barangay Barretto. Ayon sa pulisya, ang lalaking suspek ay kabilang sa SLI.

 

Nagresulta ang buy-bust operation sa pagkakasamsam ng anim na plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang tuyong marijuana fruiting tops na may tinatayang kabuuang timbang na humigit-kumulang 300 gramo at standard drug price na ₱36,000.00. Narekober din ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.

 

Bukod sa ilegal na droga, nakuha rin mula sa mga suspek ang isang Honda ADV150 na may plate number na 359RUN.

 

Dinala ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Comments

Chat Online