Offline
SUSPEK NA SLI LISTED, ARESTADO SA OPERASYONG KONTRA DROGA SA NEW KALALAKE
By Administrator
Published on 13/02/2026 21:57
News

Isang operasyong kontra ilegal na droga ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 3 na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang suspek na nasa ilalim ng SLI.

 

Bandang 11:35 ng gabi noong Pebrero 9, 2026, nadakip ang suspek sa harap ng Blg. 102 Murphy Street, Barangay New Kalalake, Olongapo City. Kinilala ang naaresto bilang isang 29-anyos na lalaki, walang asawa at walang hanapbuhay, at residente sa New Kalalake, Olongapo City.

 

Ayon sa ulat, ikinasa ng PS3-SDEU ang buy-bust operation na may kaukulang Target Intelligence Packet (TIP) control number B-2026-011-PRO3-OCPO-PS3. Sa naturang operasyon, nasamsam mula sa suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang bigat na humigit-kumulang 1.44 gramo. Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay may Standard Drug Price (SDP) na Php 9,792.00.

 

Narekober din ng mga operatiba ang Php200.00 na ginamit bilang buy-bust money. Dinala ang suspek kasama ang mga ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Comments

Chat Online