Isang SLI-listed na suspek ang naaresto sa bisa ng search warrant bandang 11:30 ng umaga noong Pebrero 5, 2026 sa Purok 1 Mactan, Barangay Old Cabalan, Olongapo City.
Ang operasyon ay isinagawa ng Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU). Sa nasabing operasyon, nakumpiska ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang limang (5) gramo at tinatayang may halagang ₱34,000, kasama ang isang pouch bilang non-drug evidence.
Ang suspek ay isang 22-anyos na lalaki, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Mactan, Barangay Old Cabalan, Olongapo City.
Dinala ang naaresto at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.