Offline
LALAKI HULI SA OPERASYON KONTRA DROGA SA BARANGAY NEW BANICAIN
By Administrator
Published on 01/02/2026 11:10
News

Isang SLI-listed na lalaki ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Police Station 2 Drug Enforcement Unit bandang alas-10:40 ng gabi noong Enero 30, 2026, sa tapat ng No. 7 Foster Street, Barangay New Banicain, Olongapo City.

 

Kinilala ang suspek na isang 26-anyos, walang asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Gordon Heights, Olongapo City. Nasamsam mula sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 0.56 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱3,808.00. Narekober din ang dalawang tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Target Intelligence Packet Control No. B-2026-005-PRO3-OCPO-PS2. Dinala ang naarestong suspek at mga ebidensiya sa Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Comments

Chat Online