Bandang alas-4:10 ng hapon noong Enero 24, 2026, isang SLI-listed na indibidwal ang nadakip ng mga awtoridad sa Purok 1, Mactan, Barangay Old Cabalan, Olongapo City matapos ang ikinasang operasyon kontra iligal na droga.
Pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit ng Police Station 4 ang buy-bust operation. Sa nasabing operasyon, nasamsam ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang bigat na 3.2 gramo at halagang ₱21,760, gayundin ang tatlong ₱100 na ginamit bilang marked money.
Ang naarestong suspek ay isang 31-anyos na lalaki, walang asawa at walang trabaho, na residente ng Barangay Gordon Heights. Siya at ang mga ebidensyang nakuha ay dinala sa Police Station 4 para sa kaukulang proseso at disposisyon.