Offline
LIMANG GRAMO NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST SA EAST BAJAC BAJAC
By Administrator
Published on 25/01/2026 18:58
News

Isang SLI-listed na indibidwal ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation bandang alas-8:00 ng gabi noong Enero 23, 2026 sa kahabaan ng 27th Street, Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City.

 

Ang operasyon ay pinangunahan ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) katuwang ang Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU). Sa naturang operasyon, nasamsam mula sa suspek ang limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na limang (5) gramo at Standard Drug Price na humigit-kumulang ₱34,000.00. Narekober din ang isang ₱500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money.

 

Ang naarestong suspek ay isang 49-anyos na lalaki, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Pag-asa, Olongapo City.

Comments

Chat Online