Isang SLI-listed na suspek ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation bandang 9:20 ng gabi noong Enero 22, 2026 sa harap ng No. 33 Natividad Street, Barangay Pag Asa, Olongapo City.
Ang operasyon ay isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Police Station 3 sa ilalim ng Target Intelligence Packet Control No. B-2026-005-PRO3-OCPO-PS3. Sa nasabing operasyon, nakumpiska ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 2.07 gramo at tinatayang halaga na ₱14,076.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang buy-bust money.
Ang naarestong suspek ay 24 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Old Cabalan, Olongapo City. Dinala ang suspek at ang mga ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon.