Offline
20-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA OPERASYONG KONTRA DROGA SA WEST TAPINAC
By Administrator
Published on 19/01/2026 11:21
News

Arestado ang isang 20-anyos na lalaki sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 2 – Drug Enforcement Unit bandang 1:40 ng madaling-araw noong Enero 18, 2026, sa harap ng No. 22, 5th Street, Barangay West Tapinac, Olongapo City.

 

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na isang binata, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Pag-Asa, Olongapo City.

 

Nasamsam mula sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 0.51 gramo, na may tinatayang standard drug price na ₱3,468.00. Narekober din ang isang itim na coin purse, ₱50.00 na personal na pera, at isang ₱200.00 na ginamit bilang marked money.

 

Ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Comments

Chat Online