Offline
₱170K HALAGANG SHABU, NASAMSAM SA DRUG BUST SA WEST BAJAC-BAJAC
By Administrator
Published on 17/01/2026 14:00
News

Dalawang indibidwal na kapwa kabilang sa Street Level Individual (SLI) list ang naaresto sa isang anti-illegal drug buy-bust operation bandang 7:50 ng gabi noong Enero 16, 2026, sa kahabaan ng 21st Street kanto ng Davidson Street, Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City.

 

Ang mga suspek ay isang 28-anyos na lalaki, walang asawa, walang trabaho at residente ng Barangay New Cabalan, Olongapo City, at isang 40-anyos na babae, wala ring asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.

 

Isinagawa ang operasyon ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) bilang lead unit katuwang ang Police Station 1 – Special Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng Target Intelligence Packet control number B-2026-001-PRO3-OCPO-CDEU.

 

Sa operasyon, nasamsam mula sa mga suspek ang limang heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 25 gramo, na may tinatayang standard drug price na ₱170,000, pati ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.

 

Dinala ang mga inarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Comments

Chat Online