Isang malakihang drug operation ang ikinasa ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang itinuturing na high-value individual bandang alas-5:50 ng umaga noong Enero 10, 2026 sa 22nd Street kanto ng Davidson Street, Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City.
Sa isinagawang buy-bust ng CPDEU kasama ang CIU-OCPO at RID-PRO3, nasamsam ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 400 gramo at halagang ₱2.72 milyon. Narekober din ang ginamit na buy-bust money at boodle money. Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa tanggapan ng CPDEU para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang aksyon.