Offline
HIGH-VALUE INDIVIDUAL ARESTADO, ₱530,400 SHABU NAKUMPISKA SA STA. RITA
By Administrator
Published on 11/01/2026 20:00
News

Isang high-value individual (HVI) ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad noong bandang alas-10:05 ng gabi ng Enero 9, 2026 sa isang eskinita sa Jolo, Tabacuhan, Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

 

Pinangunahan ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), katuwang ang City Intelligence Unit ng OCPO at Regional Intelligence Division ng PRO 3, ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 32-anyos na lalaki. Kasama sana sa operasyon ang isa pang suspek na SLI-listed subalit ito ay nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap.

 

Sa operasyon, nakumpiska ng mga pulis ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 78 gramo, na may tinatayang standard drug price na ₱530,400. Narekober din ang ₱7,000 na ginamit bilang buy-bust money.

 

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Target Intelligence Packet Control No. A-2026-001-PRO3-OCPO-CDEU. Dinala ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa wastong disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Comments

Chat Online