Dalawang SLI-listed na indibidwal ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation bandang 1:00 ng madaling-araw noong Enero 5, 2026 sa Rose Street, Purok 5, Barangay New Cabalan, Olongapo City.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) katuwang ang Regional Special Operations Group 3. Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 matapos makumpiska ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 22.3 gramo, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱151,640. Narekober din ang ₱500 na ginamit bilang marked money.
Ang mga naarestong suspek ay isang 43-anyos na lalaki at isang 32-anyos na babae, kapwa walang asawa at residente ng PNP Housing, Barangay Maimpis, San Fernando, Pampanga.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Tactical Intelligence Packet Control No. B-2026-001-PRO3-OCPO-PS4. Dinala ang mga suspek at ang mga ebidensya sa PS4 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.