Offline
2 LPA, MINOMONITOR NG PAGASA; ISA POSIBLENG MAGING BAGYO SA LOOB NG 24 ORAS
By Jaya Falsario
Published on 07/08/2025 11:04
News

Dalawang low pressure area (LPA) ang minomonitor ngayon ng PAGASA, isa sa loob at isa sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), dahil sa posibilidad nitong maging tropical depression sa loob ng 24 oras.
Ayon sa ulat ng PAGASA nitong Huwebes ng umaga, ang unang LPA ay huling namataan sa layong 95 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora. Taglay nito ang medium chance o katamtamang posibilidad na maging isang tropical depression sa loob ng susunod na araw.
Ayon pa sa 24-hour public weather forecast ng PAGASA, magdadala ang nasabing LPA ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.
Inaasahan ding makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Northern Samar dahil sa epekto ng nasabing LPA.

Comments

Chat Online