Isang anti-illegal drug operation ang isinagawa ng Police Station 1 Drug Enforcement Unit, katuwang ang City Police Drug Enforcement Unit ng OCPO, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang SLI (Street Level Individual) listed na suspek sa Olongapo City.
Bandang 11:25 ng gabi noong Pebrero 26, 2026, nadakip ang suspek sa Brill Street, Barangay West Bajac-Bajac. Kinilala ang naaresto sa alyas na “Dads,” 33 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Kalaklan.
Sa naturang buy-bust operation, nasamsam mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.05 gramo at may standard drug price na ₱7,140.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.