Offline
136K HALAGA NG SUSPECTED SHABU NAKUMPISKA SA KALAKLAN
By Jaya Falsario
Published on 07/08/2025 11:03
News
Nasamsam ng CPDEU at PS1-OCPO ang humigit-kumulang P136,000.00 halaga ng hinihinalang shabu sa bisa ng Search Warrant No. 2025-37 na inilabas ni Hon. Richard A. Paradeza ng RTC Branch 72 noong Hulyo 30, 2025, sa isinagawang operasyon sa 161 B Purok 4 Lower, Barangay Kalaklan, Olongapo City nitong Hulyo 31, 2025, ganap na alas-5:25 ng hapon.
Nasakote sa operasyon ang isang 38-anyos na lalaki, at residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang brown pouch na naglalaman ng apat (4) na piraso ng maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang timbang na 20 gramo at tinatayang standard drug price na P136,000.00, kasama rin ang ilang drug paraphernalia.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.
Comments

Chat Online