Offline
2 SLI-LISTED, ARESTADO SA PAGLABAG SA ELECTION CODE AT ILIGAL NA DROGA
By Jaya Falsario
Published on 25/03/2025 16:16
News
Naaresto ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation na isinagawa ng PS5-SPDEU (Special Drug Enforcement Unit) sa Brgy. Sta. Rita, Olongapo City bandang 8:20 PM, dahil sa paglabag sa Sec. 261 Q ng BP BLG. 881 kaugnay ng Sec. 32 ng RA 7166 at COMELEC Resolution No. 11067, pati na rin sa mga paglabag sa RA 9165 at RA 10591.
Ang mga suspek ay parehong 47-anyos na mga residente ng Brgy. Sta. Rita at Brgy. Gordon Heights, at pareho ding nakalista sa watchlist ng PNP at sangkot sa iligal na droga.
Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.92 gramo at may standard na halaga na Php6,256.00.
Narekober din ang isang improvised na baril (sumpak), dalawang bala ng caliber 38, at ang buy-bust money na Php300.00.
Dinala sa PS5 ang mga suspek at mga ebidensya para sa kaukulang disposisyon.
Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga at mga paglabag sa mga batas na may kinalaman sa eleksyon sa lungsod.
*Sec. 261 Q of RA 7166 (Carrying firearms outside residence or place of business)
* RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)
*RA 10591 (An Act Providing for A Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Providing Penalties for Violations Thereof)
Comments

Chat Online