Arestado ang isang 43-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 4 sa Barangay Old Cabalan, Olongapo City, bandang alas-9:20 ng gabi noong Nobyembre 18, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Junjun,” na kabilang sa SLI list.
Nasamsam sa operasyon ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 3.67 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱24,956. Narekober din ang dalawang tig-₱100 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang disposisyon at pagsasagawa ng mga kinakailangang proseso.