Arestado ang isang 48-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) sa Barangay New Kalalake, Olongapo City, bandang ala-1:30 ng madaling-araw noong Nobyembre 15, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Buboy,” na kabilang sa SLI list at residente ng nasabing barangay.
Nasamsam sa operasyon ang tatlong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 4.38 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱29,784. Narekober din ang ₱500 na buy-bust money.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon at pagsasagawa ng mga kinakailangang proseso.