Offline
20-anyos na lalaki, arestado sa buy-bust operation sa New Cabalan
By Administrator
Published on 12/11/2026 18:11 • Updated 12/11/2026 21:54
News

 Arestado ang isang 20-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 4 sa Rose Street, Purok 5, Barangay New Cabalan, Olongapo City, bandang alas-8:45 ng gabi noong Nobyembre 10, 2026.

 

Kabilang ang suspest sa SLI list at residente ng Barangay New Cabalan.

 

Nasamsam mula sa operasyon ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 2.33 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱15,844. Narekober din ang dalawang tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang disposisyon at pagsasagawa ng mga kinakailangang proseso.

Comments

Chat Online