Offline
DALAWANG NEWLY IDENTIFIED DRUG PERSONALITIES, TIMBOG SA BUY-BUST SA STA. RITA
By Administrator
Published on 18/05/2026 13:08
News

Dalawang newly identified drug personalities ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pinagsanib na puwersa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) at Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City noong Mayo 16, 2026.

 

Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Onay,” 30 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at isa pang 34-anyos na lalaki na residente ng Barangay East Bajac-Bajac. Pareho silang newly identified drug personalities.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-12:45 ng madaling araw sa isang eskinita sa Purok 1 ng Barangay Sta. Rita.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 26 gramo at may Standard Drug Price na ₱176,800.00. Narekober din ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.

 

Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online