Offline
BUY-BUST OPERASYON SA GORDON HEIGHTS, NAGRESULTA SA PAGKAKAARESTO NG SUSPEK
By Administrator
Published on 18/05/2026 12:53 • Updated 18/05/2026 12:54
News

Isang lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 5 – Drug Enforcement Unit (PS5-DEU) sa Barangay Gordon Heights, Olongapo City noong Mayo 15, 2026.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Huntley,” 36 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Gordon Heights.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-9:15 ng gabi sa kahabaan ng Keith Street.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.9 gramo at may Standard Drug Price na ₱12,920.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online