Offline
48-ANYOS NA LALAKI, HULI SA ANTI-DROGA OPERASYON SA BARRETTO
By Administrator
Published on 17/05/2026 09:22
News

 Isang lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 6 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Barangay Barretto, Olongapo City noong Mayo 14, 2026.

 

Kinilala ang suspek na si alyas “Topak,” 48 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Barretto

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-7:25 ng gabi sa Abra Street.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.7 gramo at may Standard Drug Price na ₱18,360.00. Narekober din ang ₱300 na ginamit bilang buy-bust money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 6 para sa kaukulang dokumentasyon.

Comments

Chat Online