Isang lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant ng Police Station 2 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Barangay New Banicain, Olongapo City noong Mayo 12, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Bhadz,” nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.
Bandang alas-8:40 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa isang itim na pouch ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.34 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,752.20.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon.