Offline
DALAWANG HVI DRUG PERSONALITIES, TIMBOG SA BUY-BUST SA EAST BAJAC-BAJAC
By Administrator
Published on 15/05/2026 12:13 • Updated 15/05/2026 12:15
News

Dalawang High Value Individual (HVI) drug personalities ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pinagsanib na puwersa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) at Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City.

 

Kinilala ang mga suspek sa alyas na “TJ,” 34 taong gulang, may asawa, at si “Bert,” 29 taong gulang, binata. Pareho silang walang trabaho at residente ng Barangay East Bajac-Bajac

 

Naganap ang buy-bust operation sa kahabaan ng Ardoin Street kanto ng 27th Street.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 60 gramo at may Standard Drug Price na ₱408,000.00. Narekober din ang ₱1,000 na ginamit bilang buy-bust money.

 

Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online