Dalawang lalaki ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 5 – Drug Enforcement Unit (PS5-DEU) sa Barangay Gordon Heights, Olongapo City noong Mayo 8, 2026.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Le-Le,” 24 taong gulang at kabilang sa SLI list, at isang 51 taong gulang. Pareho silang walang trabaho at residente ng Olongapo City.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-4:35 ng hapon sa kahabaan ng Casoy Street.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.95 gramo at may Standard Drug Price na ₱13,260.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.