Offline
BUY-BUST OPERATION SA NEW BANICAIN, ISA ARESTADO
By Administrator
Published on 12/05/2026 21:08 • Updated 13/05/2026 18:26
News

Isang 47-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 2 – Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Barangay New Banicain, Olongapo City noong Mayo 8, 2026.

 

Ang suspek ay binata, walang trabaho, at residente ng Barangay New Kalalake.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-12:20 ng madaling araw.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.12 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,616.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon.

 

Comments

Chat Online