Dalawang High Value Individual (HVI) drug personalities ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pinagsanib na puwersa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) at Police Station 3 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay East Tapinac, Olongapo City noong Mayo 7, 2026.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Jerome,” 25 taong gulang at kabilang sa HVI list, at si “Angel,” 25 taong gulang at newly identified HVI. Pareho silang walang trabaho at residente ng Olongapo City at Dinalupihan, Bataan.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-11:35 ng gabi sa kahabaan ng Bacon Street.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang limang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 55 gramo at may Standard Drug Price na ₱374,000.00. Narekober din ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.
Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.