Offline
₱14K HALAGANG SHABU, KUMPISKADO SA NEW CABALAN
By Administrator
Published on 11/05/2026 21:20 • Updated 13/05/2026 18:29
News

 Isang 26-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay New Cabalan, Olongapo City noong Mayo 6, 2026.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Aspin,” binata, walang trabaho, at residente ng Barangay East Tapinac.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-6:25 ng gabi sa kahabaan ng Tagumpay Street, Purok 4.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.1 gramo at may Standard Drug Price na ₱14,280.00. Narekober din ang dalawang tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online