Isang 18-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 1 – Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Upper Nagbaculao, Barangay Kalaklan, Olongapo City noong Mayo 5, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “JM Tulok,” binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Banicain.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-11:30 ng gabi sa Purok 6 ng nasabing barangay.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang marijuana na may tinatayang kabuuang timbang na 34.8 gramo at may standard drug price na ₱4,176.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.