Dalawang lalaki ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 3 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay New Asinan, Olongapo City noong Mayo 2, 2026.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Imon,” 34 taong gulang, at kabilang sa SLI list, at isang 32 anyos, may asawa at walang trabaho. Parehong residente ng Subic, Zambales.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-11:55 ng gabi sa harap ng isang bahay sa Kessing Street.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 5.85 gramo at may Standard Drug Price na ₱39,780.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang buy-bust money.
Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon.